Thursday, February 24, 2011

Congressman Ronald Singson: Guilty


Hopeless na yata ang pulitika sa Pilipinas. Matapos mahatulan si Congressman Ronald Singson ng Hongkong court sa kasong possession ng iligal na droga, heto't halos ipagsigawan ng kanyang amang si Governor Chavit Singson na mas dapat na kaawaan ang kanyang anak dahil ito'y biktima.

Sa panayam ng TV Patrol kagabi, paulit-ulit na sinambit ni Chavit na si Ronald ay isang "bata" at "biktima." May konting katotohanan na ang bawat user ay biktima at ang pusher ang siyang may-sala. Pero hindi yata angkop na bihisang "biktima" ang isang tao lalo na kung ito'y inaasahang maalam sa batas bilang isang kongresista. At ang ituring na ito'y "bata?"

Tsk, tsk. Please God, have mercy for the Philippines.

Saturday, February 12, 2011

Kung saan walang bisa ang visa...

Gusto mo bang magbakasyon sa labas ng Pilipinas pero ayaw mo ng hassle sa pagkuha ng tourist visa? Aba, akalin mong napadami palang destinasyon na hindi nangangailangan nito. Basta may passport ka lang at sapat na pocket money, go go go na!

Narito ang listahan kung saan ka pwedeng maglamyerda pati na ang bilang ng araw na maari kang tumigil doon.

Andorra – 90 days
Bermuda – 90 days
Bolivia – 90 days
Brazil – 90 days (Business visa is also not required)
Brunei – 14 days
Burundi – unknown days
Colombia – 180 days
Comoros – 90 days
Cook Islands – 31 days
Costa Rica – unknown days
Ecuador – 90 days (Business visa is also not required)
Fiji – tourist not required
Galapagos islands – Tourist, Business, and Official visa not required
Haiti – 90 days
Hong Kong – 14 days
Indonesia – 30 days
Israel – 90 days
Jeju island in South Korea- 30 days
Macau – 30 days
Malaysia – 30 day
Maldives – 30 days
Micronesia – 30 days
Mongolia – 21 days
Morocco – 90 days
Oman – unknown days
Palestine – Tourist, Business, and Official visa not required
Peru – 90 days
Saint Helena – 90 days
Samoa – unknown days
Seychelles 30 days
Singapore – tourist visa not required
Sri lanka – 30 days
Suriname – 90 days
Thailand – 30 days
Tuvalu – 90 days

Thursday, February 10, 2011

Top 3 Pinoy street foods

Subukan mong gumala saan man sa Pilipinas ng may laman ang pitaka mo kahit kaunti, at pihadong hindi ka magugutom. Ito ay dahil saan ka man lumingon, pagkain ang una mong makikita't mapapansin. Napakarami nito lalo na sa mga kalsada at bangketa na animo'y mga pukyutang pinaputakti ng mga parokyano. Narito ang tatlo sa mga street foods na kinahihiligan ng Pinoy.

Numero uno ang fishball dahil mapa-umaga, tanghaling tapat, hapon o gabi, makakakita ka ng nagtitinda nito.  Sa eskwelahan, sa pondahan, sa labas ng opisina, sa kapitbahay...  maski saan, meron.  Hindi ito pinagsasawaan, lalo't may iba na din itong variants gaya ng kikiam, orlians, squidballs, at chicken balls.  Palanguyin muna sa sawsawang maanghang, matamis o maasim bago isubo, tiyak na solb ang gutom mo ng panumandali.
Presyo:  P0.50 - P2.00 bawat isa
Isaw, tenga, balun-balunan, paa (adidas), bato, ulo... Balahibo na lang yata ang maaring itapos sa katawan ng manok.  Halos lahat ng parte nito, maaring ibarbecue.  Pampulutan, pang-ulam, o pampapak habang nagkukuwentuhan sa umpukan sa kalsada tuwing gabi.  Swabe ito kasabay ng isang Coke solo.
Presyo:  P3.00 - P10.00 bawat stick
May apat na klase ng kwek-kwek-- balot, penoy, itlog at itlog-pugo.  Anu't anuman, isa ito sa nakawilihang kainin ng Pinoy nitong mga nagdaang taon.  Ilagay lamang sa isang tasa, sabawan ng suka, lagyan ng asin, tinadtad na sili at sibuyas na berde, tiyak na hindi ka makukuntento sa isa lamang.  Ingat-ingat lang sa high blood lalo't mataas sa cholesterol ang mga ito.
Presyo:  P8.00 - P15.00 isang piraso ng itlog, penoy o balut, at P2.00 sa pugo

NBA All-Star 2011


Sa ganang akin, hindi nakaka-excite manood ng NBA All-Star Game na gaganapin ngayon taon sa balwarte ni Kobe Bryant sa LA. Para kang nanood ng exhibition na walang depensasa first 46 minutes (oo, sa last two minutes lang magkakahigpitan ng depensa), o round-robin bago ang isang official game. Fearless forecast: 'Di din ako magtataka kung "magbuwaya" si Kobe at masungkit nya ang All-Star MVP.

Mas aabangan ko ang Slam Dunk Contest. Aba, homecourt din yata ni super rookie Blake Griffin ang Staples Center.

Gusto mo ba 'tong mapanood ng live? Try nyo ang link na ito: Watch NBA All-Star Live Online Streaming

Angelo Reyes (RIP), former general and secretary of everything

Mukhang matimbang ang argumento na nagbaril sa sarili si Gen. Angelo Reyes noong Lunes, sa harapan mismo ng puntod ng kanyang ina. Pero mas naging malaking palaisipan kung bakit nya ito ginawa. Kasabay nito ay ang lalong dumilim na pag-asang matutunton pa ang ibang ebidensyang nagtuturo sa maanomalyang "pabaon" sa matataas na opisyales ng AFP.

Kung dahil man ito sa kunsensya, sasaludo tiyak ang Pinoy, kasabay ng panalangin na sana'y lahat ng tiwali sa gobyerno ay tularan sya.

(Nagtataka naman ako, nung naaresto si Gen. Carlos Garcia sa pangungulimbat ng daang milyong pondo ng GSIS, isinakay ito sa stretcher e. Hindi pa ba ito natutuluyan, este, nakukunsensya hanggang ngayon?)