Subukan mong gumala saan man sa Pilipinas ng may laman ang pitaka mo kahit kaunti, at pihadong hindi ka magugutom. Ito ay dahil saan ka man lumingon, pagkain ang una mong makikita't mapapansin. Napakarami nito lalo na sa mga kalsada at bangketa na animo'y mga pukyutang pinaputakti ng mga parokyano. Narito ang tatlo sa mga street foods na kinahihiligan ng Pinoy.
Numero uno ang fishball dahil mapa-umaga, tanghaling tapat, hapon o gabi, makakakita ka ng nagtitinda nito. Sa eskwelahan, sa pondahan, sa labas ng opisina, sa kapitbahay... maski saan, meron. Hindi ito pinagsasawaan, lalo't may iba na din itong variants gaya ng kikiam, orlians, squidballs, at chicken balls. Palanguyin muna sa sawsawang maanghang, matamis o maasim bago isubo, tiyak na solb ang gutom mo ng panumandali.
Presyo: P0.50 - P2.00 bawat isa
Isaw, tenga, balun-balunan, paa (adidas), bato, ulo... Balahibo na lang yata ang maaring itapos sa katawan ng manok. Halos lahat ng parte nito, maaring ibarbecue. Pampulutan, pang-ulam, o pampapak habang nagkukuwentuhan sa umpukan sa kalsada tuwing gabi. Swabe ito kasabay ng isang Coke solo.
Presyo: P3.00 - P10.00 bawat stick
May apat na klase ng kwek-kwek-- balot, penoy, itlog at itlog-pugo. Anu't anuman, isa ito sa nakawilihang kainin ng Pinoy nitong mga nagdaang taon. Ilagay lamang sa isang tasa, sabawan ng suka, lagyan ng asin, tinadtad na sili at sibuyas na berde, tiyak na hindi ka makukuntento sa isa lamang. Ingat-ingat lang sa high blood lalo't mataas sa cholesterol ang mga ito.
Presyo: P8.00 - P15.00 isang piraso ng itlog, penoy o balut, at P2.00 sa pugo

No comments:
Post a Comment