Sunday, January 30, 2011
Ang OBAMA ng Caloocan
Komiks: Original Pinoy Past-time
Bago pa ang internet, cable, at PSP, komiks ang paboritong past-time ng Pinoy. Naalala ko nung bata ako, tuwing summer, kasabay ng pagbili ko ng meryenda sa sari-sari store ay ang pag-arkila ng komiks na iuuwi ko sa bahay (at ibabalik pagkatapos basahin). Ang bayad--
Nitong nakaraan lang ay pilit na muling isabuhay ni Carlo Caparas ang komiks pero hindi yata sya nagtagumpay. Isa ito sa mga nakakahinayang na bahagi ng kulturang Pinoy.
(PS. Hanep ang polo ni Janno Gibbs, ano?)
Funny Jeepney Sign
Pag di maganda ang gising mo, iwan mo ang kotse sa garahe. Sumakay ka ng jeep papasok ng eskwela o opisina. Luminga-linga ka. Mas posible sa hindi, ngingiti ka sa mga mababasa mo.
Luma na ang mga ito:
1. God knows Hudas not pay.
2. Ang jeepney driver, sweet lover.
3. Hila mo, stuff (stop) ko.
4. Dalagang maganda,
nais kitang makilala.
Ngunit ako'y abala
sa manibela.
'Eto,bibihira pa ang ganito: (isipin nyo kung si manong ang sisigaw nito)
Luma na ang mga ito:
1. God knows Hudas not pay.
2. Ang jeepney driver, sweet lover.
3. Hila mo, stuff (stop) ko.
4. Dalagang maganda,
nais kitang makilala.
Ngunit ako'y abala
sa manibela.
'Eto,bibihira pa ang ganito: (isipin nyo kung si manong ang sisigaw nito)
USD-PHP Exchange rate thru the years
44.10=$1 ngayon, January 30. Akalain nyo, eto pala ang samples ng Php-USD exchange rate noong araw:
Marcos
1970 = 5.50
1975 = 7.50
1980 = 7.60
Cory
1986 = 20.53
1990 = 28.00
1991 = 26.65
Ramos
1994 = 24.41
1995 = 26.21
Erap
2000 = 44.14
Gloria
2001 = 51.00
2004 = 56.04
2006 = 51.34
Hanep nung panahon ni Apong Ferdie ano?
Naka-Ginebra ba talaga ang mga bida?
Natuto akong uminom noong ako'y 3rd year high school. At bilog ang ipinangbinyag sa akin. Oo, bilog. Na noong araw ay kinse pesos lang ang isang bote. That cheap, grotty gin that's 80 proof (or 35% alcohol by volume!). Sa pait at "anghang" nya sa bibig, tiyak na sisipol ka matapos tumagay. Swerte nga ang mga manginginom ngayon dahil marami nang choices. May MP (Emperador), may Grandma (Gran Matador), The Bar, atbp.
Pero naalala ko bigla, necessity is indeed the mother of all inventions. Dahil sa masamang lasa ng gin, biglang tumaas noon ang sales ng Tang. Oo, Tang. Pipili ka lang ng flavor, mapa-orange, grape, guyabano, pineapple o ang pinakasikat na pomelo-- jaraaan! May gin-whatever ka na! Isang litro pack ng Tang + dalawang bilog + tubig at yelo = swabe. 'Nga lamang, asahan mo ang umaatikabong hang-over kinabukasan.
Peo hindi ako naniniwala sa kasabihan ng mga manginginom, na ang sa bilog daw nag-umpisang mabuhay, sa bilog din mamamatay. Dahil 11 years after, nagbago na 'ko.
Ng brand.
Any brand, basta hindi Ginebra. At maniwala ka namang umiinom talaga ng bilog sa Pacquiao, Jawo at Caguioa? Pupusta pa 'ko ng gin, kasama pulutan.
Labels:
Caguioa,
Emperador,
gin-pomelo,
Ginebra,
Gran Matador,
Pacquiao,
The Bar
Pilipinas: ang lupang hinirang, ang bayang magiliw
Hindi ko sigurado, pero may flag ceremony pa ba sa mga paaralan ngayon? Noong araw, itinuturing na mortal sin sa eskwela kapag ang tawag mo ay "Bayang Magiliw" sa Lupang Hinirang, lalo pa kung hindi mo ito kabisado. Susundan ito ng Panatang Makabayan, at magtatapos sa pag-awit ng Ako ay Pilipino. Tuwing hapon sa flag retreat, Pilipinas kong Mahal ang ipinapalit dito. Pero noon yun, kung kailan maluwang ang mga paaralan, kung kailan mataas pa ang pagpapahalaga sa pagkamakabayan. Kabisado mo pa ba ang mga lirikong ito?
Lupang Hinirang
Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.
Labels:
Bayang Magiliw,
Lupang Hinirang,
Panatang Makabayan
May GILAS ba talaga?
Ang Pinoy, adik sa basketball. At ang Smart-Gilas program ang sinasabing mag-aangat sa estado ng bansa sa international basketball scene. (Pero teka, natalo pala kahapon ang Gilas sa Finals ng Dubai International Basketball Tournament laban sa Egypt, 75-84.)
Ilang buwan na rin lang bago ang FIBA-Asia Olympic Qualifier, at balita nati'y lalahukan ng mga napipisil na manlalaro galing sa PBA. Hindi tuloy natin masabi kung kawawa itong mga maiitsa-pwera sa line-up, sila na matagal nang bahagi ng Gilas, dahil sa isang banda'y halos katumbas din ng sa PBA players ang halaga ng kanilang mga kontrata. Susuweldo nang uupo lang sa bangko.
Saturday, January 29, 2011
Maricar Reyes, not the sex goddess
Ang Pinoy, mahilig sa mestisa. "Sakit" na ng karamihan sa mga lalaki yan. Gaya nitong si Maricar Reyes. Sa lahat ng kinasangkutan nyan sex video scandal kasama si Hayden Kho, aba'y napahanga nya pa rin ang madla sa pagiging disente at tahimik.
Kung nangyari rin siguro ito sa ibang sikat gaya ni Kim Chiu, Bea Alonzo, Angel Locsin, Marian Rivera o Anne Curtis, iilan lang siguro sa kanila ang maikukumpara ang ginawa (o kawalang-ginawa) ni Maricar.
Ang swerte naman ni John Lloyd Cruz sa Imortal, at mas maswerte si Richard Poon sa totoong buhay. (Pinakamaswerte si Hayden Kho sa nakaraan hehe.)
Labels:
Angel Locsin,
Anne Curtis,
Bea Alonzo,
Hayden Kho,
Imortal,
Kim Chiu,
Marian Rivera,
Maricar Reyes,
sex scandal
Get Back, Beatles!
Ang Pinoy, mahilig sa musika. Pag nagbukas ka ng radyo sa umaga lalo't Linggo, oldies but goodies ang maririnig mo. At napakaraming Beatles songs ang nakasalang sa playlist. Parang hindi naluluma ang mga kanta nila. Hindi nakakasawang pakinggan. Kahit sino ang pakantahin mo kina John Lennon, Paul McCartney, George Harrison at Ringo Starr, PWEDE.
Yun nga lang, alam nyo bang 42 years ago nung huli silang nagkaroon ng public appearance bilang isang grupo? On JANUARY 30, 1969, nagpreform sila ng "Get Back" na ginamit sa pelikulang "Let It Be."
Get Back MV:
Labels:
Beatles,
George Harrison,
Get Back,
John Lennon,
Let It Be,
Paul McCartney,
Ringo Starr
Before Pacman, there was Paeng.
Sa mga may birthday ngayon, subukan nyong mag-bowling. Ka-birthday nyo lang naman si Paeng Nepomuceno (January 30, 1957).
Sa haba ng listahan ng bowling tournament titles nito kababayan nating ito, tiyak mahihiya maski pagsama-samahin nyo pa ang mga titulo nina Jordan, Magic, Bird, Tigerwoods, at isama nyo pa si Pacman (118 lang naman lahat yan).
At aba, APAT NA DEKADA siyang namayagpag sa isport na ito, magmula noong una nyang kampeonato sa Bowling World Cup noong 1972 hanggang nito lamang 2009.
Isang pagsaludo sayo Sir Paeng, at happy birthday!
Labels:
bowling,
Bowling World Cup,
Pacquiao,
Paeng Nepomuceno
"Walang iwanan, peksman."
JANUARY 29, 2010.
Nagpahayag si Sen. Loren Legarda na hindi nya iiwan ang ka-tandem sa Nacionalista Party na si Sen. Manny Villar maski pa sa pagkakakaladkad ng pangalan ng huli sa umano'y maanomalyang C5 Road Extension Project.
Aniya, “ako ang taong may paninindigan, ako ang taong hindi nang-iiwan, hindi marunong mang-iwan at importante ito’y base sa ating konsyensya."
JANUARY 29, 2011. Walang nangyari sa ambisyon nilang mamuno ng bansa. Wala din namang nangyari sa imbestigasyon sa C5 Road controversy. At parang si Noynoy ang nang-iwan ng ka-tandem noong eleksyon.
Pero wag ka, tanggap ng dalawa ang kanilang pagkatalo. Kung sana'y ganyan ang lahat ng talunan ano?
(ang picture ay kuha sa www.ispoops.com)
Subscribe to:
Posts (Atom)