Sunday, January 30, 2011

Pilipinas: ang lupang hinirang, ang bayang magiliw


Hindi ko sigurado, pero may flag ceremony pa ba sa mga paaralan ngayon? Noong araw, itinuturing na mortal sin sa eskwela kapag ang tawag mo ay "Bayang Magiliw" sa Lupang Hinirang, lalo pa kung hindi mo ito kabisado. Susundan ito ng Panatang Makabayan, at magtatapos sa pag-awit ng Ako ay Pilipino. Tuwing hapon sa flag retreat, Pilipinas kong Mahal ang ipinapalit dito. Pero noon yun, kung kailan maluwang ang mga paaralan, kung kailan mataas pa ang pagpapahalaga sa pagkamakabayan. Kabisado mo pa ba ang mga lirikong ito?

Lupang Hinirang

Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.

No comments:

Post a Comment