Natuto akong uminom noong ako'y 3rd year high school. At bilog ang ipinangbinyag sa akin. Oo, bilog. Na noong araw ay kinse pesos lang ang isang bote. That cheap, grotty gin that's 80 proof (or 35% alcohol by volume!). Sa pait at "anghang" nya sa bibig, tiyak na sisipol ka matapos tumagay. Swerte nga ang mga manginginom ngayon dahil marami nang choices. May MP (Emperador), may Grandma (Gran Matador), The Bar, atbp.
Pero naalala ko bigla, necessity is indeed the mother of all inventions. Dahil sa masamang lasa ng gin, biglang tumaas noon ang sales ng Tang. Oo, Tang. Pipili ka lang ng flavor, mapa-orange, grape, guyabano, pineapple o ang pinakasikat na pomelo-- jaraaan! May gin-whatever ka na! Isang litro pack ng Tang + dalawang bilog + tubig at yelo = swabe. 'Nga lamang, asahan mo ang umaatikabong hang-over kinabukasan.
Peo hindi ako naniniwala sa kasabihan ng mga manginginom, na ang sa bilog daw nag-umpisang mabuhay, sa bilog din mamamatay. Dahil 11 years after, nagbago na 'ko.
Ng brand.
Any brand, basta hindi Ginebra. At maniwala ka namang umiinom talaga ng bilog sa Pacquiao, Jawo at Caguioa? Pupusta pa 'ko ng gin, kasama pulutan.
No comments:
Post a Comment