Thursday, February 24, 2011

Congressman Ronald Singson: Guilty


Hopeless na yata ang pulitika sa Pilipinas. Matapos mahatulan si Congressman Ronald Singson ng Hongkong court sa kasong possession ng iligal na droga, heto't halos ipagsigawan ng kanyang amang si Governor Chavit Singson na mas dapat na kaawaan ang kanyang anak dahil ito'y biktima.

Sa panayam ng TV Patrol kagabi, paulit-ulit na sinambit ni Chavit na si Ronald ay isang "bata" at "biktima." May konting katotohanan na ang bawat user ay biktima at ang pusher ang siyang may-sala. Pero hindi yata angkop na bihisang "biktima" ang isang tao lalo na kung ito'y inaasahang maalam sa batas bilang isang kongresista. At ang ituring na ito'y "bata?"

Tsk, tsk. Please God, have mercy for the Philippines.

Saturday, February 12, 2011

Kung saan walang bisa ang visa...

Gusto mo bang magbakasyon sa labas ng Pilipinas pero ayaw mo ng hassle sa pagkuha ng tourist visa? Aba, akalin mong napadami palang destinasyon na hindi nangangailangan nito. Basta may passport ka lang at sapat na pocket money, go go go na!

Narito ang listahan kung saan ka pwedeng maglamyerda pati na ang bilang ng araw na maari kang tumigil doon.

Andorra – 90 days
Bermuda – 90 days
Bolivia – 90 days
Brazil – 90 days (Business visa is also not required)
Brunei – 14 days
Burundi – unknown days
Colombia – 180 days
Comoros – 90 days
Cook Islands – 31 days
Costa Rica – unknown days
Ecuador – 90 days (Business visa is also not required)
Fiji – tourist not required
Galapagos islands – Tourist, Business, and Official visa not required
Haiti – 90 days
Hong Kong – 14 days
Indonesia – 30 days
Israel – 90 days
Jeju island in South Korea- 30 days
Macau – 30 days
Malaysia – 30 day
Maldives – 30 days
Micronesia – 30 days
Mongolia – 21 days
Morocco – 90 days
Oman – unknown days
Palestine – Tourist, Business, and Official visa not required
Peru – 90 days
Saint Helena – 90 days
Samoa – unknown days
Seychelles 30 days
Singapore – tourist visa not required
Sri lanka – 30 days
Suriname – 90 days
Thailand – 30 days
Tuvalu – 90 days

Thursday, February 10, 2011

Top 3 Pinoy street foods

Subukan mong gumala saan man sa Pilipinas ng may laman ang pitaka mo kahit kaunti, at pihadong hindi ka magugutom. Ito ay dahil saan ka man lumingon, pagkain ang una mong makikita't mapapansin. Napakarami nito lalo na sa mga kalsada at bangketa na animo'y mga pukyutang pinaputakti ng mga parokyano. Narito ang tatlo sa mga street foods na kinahihiligan ng Pinoy.

Numero uno ang fishball dahil mapa-umaga, tanghaling tapat, hapon o gabi, makakakita ka ng nagtitinda nito.  Sa eskwelahan, sa pondahan, sa labas ng opisina, sa kapitbahay...  maski saan, meron.  Hindi ito pinagsasawaan, lalo't may iba na din itong variants gaya ng kikiam, orlians, squidballs, at chicken balls.  Palanguyin muna sa sawsawang maanghang, matamis o maasim bago isubo, tiyak na solb ang gutom mo ng panumandali.
Presyo:  P0.50 - P2.00 bawat isa
Isaw, tenga, balun-balunan, paa (adidas), bato, ulo... Balahibo na lang yata ang maaring itapos sa katawan ng manok.  Halos lahat ng parte nito, maaring ibarbecue.  Pampulutan, pang-ulam, o pampapak habang nagkukuwentuhan sa umpukan sa kalsada tuwing gabi.  Swabe ito kasabay ng isang Coke solo.
Presyo:  P3.00 - P10.00 bawat stick
May apat na klase ng kwek-kwek-- balot, penoy, itlog at itlog-pugo.  Anu't anuman, isa ito sa nakawilihang kainin ng Pinoy nitong mga nagdaang taon.  Ilagay lamang sa isang tasa, sabawan ng suka, lagyan ng asin, tinadtad na sili at sibuyas na berde, tiyak na hindi ka makukuntento sa isa lamang.  Ingat-ingat lang sa high blood lalo't mataas sa cholesterol ang mga ito.
Presyo:  P8.00 - P15.00 isang piraso ng itlog, penoy o balut, at P2.00 sa pugo

NBA All-Star 2011


Sa ganang akin, hindi nakaka-excite manood ng NBA All-Star Game na gaganapin ngayon taon sa balwarte ni Kobe Bryant sa LA. Para kang nanood ng exhibition na walang depensasa first 46 minutes (oo, sa last two minutes lang magkakahigpitan ng depensa), o round-robin bago ang isang official game. Fearless forecast: 'Di din ako magtataka kung "magbuwaya" si Kobe at masungkit nya ang All-Star MVP.

Mas aabangan ko ang Slam Dunk Contest. Aba, homecourt din yata ni super rookie Blake Griffin ang Staples Center.

Gusto mo ba 'tong mapanood ng live? Try nyo ang link na ito: Watch NBA All-Star Live Online Streaming

Angelo Reyes (RIP), former general and secretary of everything

Mukhang matimbang ang argumento na nagbaril sa sarili si Gen. Angelo Reyes noong Lunes, sa harapan mismo ng puntod ng kanyang ina. Pero mas naging malaking palaisipan kung bakit nya ito ginawa. Kasabay nito ay ang lalong dumilim na pag-asang matutunton pa ang ibang ebidensyang nagtuturo sa maanomalyang "pabaon" sa matataas na opisyales ng AFP.

Kung dahil man ito sa kunsensya, sasaludo tiyak ang Pinoy, kasabay ng panalangin na sana'y lahat ng tiwali sa gobyerno ay tularan sya.

(Nagtataka naman ako, nung naaresto si Gen. Carlos Garcia sa pangungulimbat ng daang milyong pondo ng GSIS, isinakay ito sa stretcher e. Hindi pa ba ito natutuluyan, este, nakukunsensya hanggang ngayon?)

Bangko ng sindikato???


Hindi ito bangko sa Pilipinas. Pero kung sakali man, sa pagiging metikuloso ng Pinoy lalo na sa pangalan pa lang, malamang maagang malugi at bumagsak itong bangkong ito.

O sa isang banda, kung ang target market nito ay mga buwaya sa gobyerno, drug pushers, carjackers, at iba pa, hindi ito mauubusan ng kliyente. Baka talunin pa nito ang BDO, BPI at Metrobank pag nagkataon.

(Sa mga nagbabalak magtayo ng bangko, heto't nabigyan ko na kayo ng suggestion.)

Sunday, January 30, 2011

Ang OBAMA ng Caloocan


Presenting, ang OBAMA ng Caloocan.

Malas lang nina BAMA (Baby Asistio at Rey Malonzo), tanging si O (Oca Malapitan) lang ang nanalo.

Better luck next time. E e e e. (Enrico Echiverri-Edgar Erice)

Komiks: Original Pinoy Past-time


Bago pa ang internet, cable, at PSP, komiks ang paboritong past-time ng Pinoy. Naalala ko nung bata ako, tuwing summer, kasabay ng pagbili ko ng meryenda sa sari-sari store ay ang pag-arkila ng komiks na iuuwi ko sa bahay (at ibabalik pagkatapos basahin). Ang bayad-- c25. Mapa-wakasan o lingguhan, tiyak na inaabangan ng madlang pipol ang bawat labas ng mga ito.

Nitong nakaraan lang ay pilit na muling isabuhay ni Carlo Caparas ang komiks pero hindi yata sya nagtagumpay. Isa ito sa mga nakakahinayang na bahagi ng kulturang Pinoy.

(PS. Hanep ang polo ni Janno Gibbs, ano?)

"Cock-flavoured" soup mix


Hindi pa ba nakarating ito dito sa atin sa Pilipinas? Kung magkagayon, laking tuwa ng ating mga kafatid nito.

Move over Lucky Me!

Chow.

Funny Jeepney Sign

Pag di maganda ang gising mo, iwan mo ang kotse sa garahe. Sumakay ka ng jeep papasok ng eskwela o opisina. Luminga-linga ka. Mas posible sa hindi, ngingiti ka sa mga mababasa mo.

Luma na ang mga ito:

1. God knows Hudas not pay.
2. Ang jeepney driver, sweet lover.
3. Hila mo, stuff (stop) ko.
4. Dalagang maganda,
nais kitang makilala.
Ngunit ako'y abala
sa manibela.

'Eto,bibihira pa ang ganito:  (isipin nyo kung si manong ang sisigaw nito)


USD-PHP Exchange rate thru the years



44.10=$1 ngayon, January 30. Akalain nyo, eto pala ang samples ng Php-USD exchange rate noong araw:

Marcos
1970 = 5.50
1975 = 7.50
1980 = 7.60
Cory
1986 = 20.53
1990 = 28.00
1991 = 26.65
Ramos
1994 = 24.41
1995 = 26.21
Erap
2000 = 44.14
Gloria
2001 = 51.00
2004 = 56.04
2006 = 51.34

Hanep nung panahon ni Apong Ferdie ano?

Naka-Ginebra ba talaga ang mga bida?


Natuto akong uminom noong ako'y 3rd year high school. At bilog ang ipinangbinyag sa akin. Oo, bilog. Na noong araw ay kinse pesos lang ang isang bote. That cheap, grotty gin that's 80 proof (or 35% alcohol by volume!). Sa pait at "anghang" nya sa bibig, tiyak na sisipol ka matapos tumagay. Swerte nga ang mga manginginom ngayon dahil marami nang choices. May MP (Emperador), may Grandma (Gran Matador), The Bar, atbp.

Pero naalala ko bigla, necessity is indeed the mother of all inventions. Dahil sa masamang lasa ng gin, biglang tumaas noon ang sales ng Tang. Oo, Tang. Pipili ka lang ng flavor, mapa-orange, grape, guyabano, pineapple o ang pinakasikat na pomelo-- jaraaan! May gin-whatever ka na! Isang litro pack ng Tang + dalawang bilog + tubig at yelo = swabe. 'Nga lamang, asahan mo ang umaatikabong hang-over kinabukasan.

Peo hindi ako naniniwala sa kasabihan ng mga manginginom, na ang sa bilog daw nag-umpisang mabuhay, sa bilog din mamamatay. Dahil 11 years after, nagbago na 'ko.

Ng brand.

Any brand, basta hindi Ginebra. At maniwala ka namang umiinom talaga ng bilog sa Pacquiao, Jawo at Caguioa? Pupusta pa 'ko ng gin, kasama pulutan.

Pilipinas: ang lupang hinirang, ang bayang magiliw


Hindi ko sigurado, pero may flag ceremony pa ba sa mga paaralan ngayon? Noong araw, itinuturing na mortal sin sa eskwela kapag ang tawag mo ay "Bayang Magiliw" sa Lupang Hinirang, lalo pa kung hindi mo ito kabisado. Susundan ito ng Panatang Makabayan, at magtatapos sa pag-awit ng Ako ay Pilipino. Tuwing hapon sa flag retreat, Pilipinas kong Mahal ang ipinapalit dito. Pero noon yun, kung kailan maluwang ang mga paaralan, kung kailan mataas pa ang pagpapahalaga sa pagkamakabayan. Kabisado mo pa ba ang mga lirikong ito?

Lupang Hinirang

Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.

May GILAS ba talaga?


Ang Pinoy, adik sa basketball. At ang Smart-Gilas program ang sinasabing mag-aangat sa estado ng bansa sa international basketball scene. (Pero teka, natalo pala kahapon ang Gilas sa Finals ng Dubai International Basketball Tournament laban sa Egypt, 75-84.)

Ilang buwan na rin lang bago ang FIBA-Asia Olympic Qualifier, at balita nati'y lalahukan ng mga napipisil na manlalaro galing sa PBA. Hindi tuloy natin masabi kung kawawa itong mga maiitsa-pwera sa line-up, sila na matagal nang bahagi ng Gilas, dahil sa isang banda'y halos katumbas din ng sa PBA players ang halaga ng kanilang mga kontrata. Susuweldo nang uupo lang sa bangko.

Saturday, January 29, 2011

Maricar Reyes, not the sex goddess



Ang Pinoy, mahilig sa mestisa. "Sakit" na ng karamihan sa mga lalaki yan. Gaya nitong si Maricar Reyes. Sa lahat ng kinasangkutan nyan sex video scandal kasama si Hayden Kho, aba'y napahanga nya pa rin ang madla sa pagiging disente at tahimik.

Kung nangyari rin siguro ito sa ibang sikat gaya ni Kim Chiu, Bea Alonzo, Angel Locsin, Marian Rivera o Anne Curtis, iilan lang siguro sa kanila ang maikukumpara ang ginawa (o kawalang-ginawa) ni Maricar.

Ang swerte naman ni John Lloyd Cruz sa Imortal, at mas maswerte si Richard Poon sa totoong buhay. (Pinakamaswerte si Hayden Kho sa nakaraan hehe.)

Get Back, Beatles!


Ang Pinoy, mahilig sa musika.  Pag nagbukas ka ng radyo sa umaga lalo't Linggo, oldies but goodies ang maririnig mo. At napakaraming Beatles songs ang nakasalang sa playlist. Parang hindi naluluma ang mga kanta nila. Hindi nakakasawang pakinggan. Kahit sino ang pakantahin mo kina John Lennon, Paul McCartney, George Harrison at Ringo Starr, PWEDE.

Yun nga lang, alam nyo bang 42 years ago nung huli silang nagkaroon ng public appearance bilang isang grupo? On JANUARY 30, 1969, nagpreform sila ng "Get Back" na ginamit sa pelikulang "Let It Be."

Get Back MV:

Before Pacman, there was Paeng.


Sa mga may birthday ngayon, subukan nyong mag-bowling. Ka-birthday nyo lang naman si Paeng Nepomuceno (January 30, 1957).

Sa haba ng listahan ng bowling tournament titles nito kababayan nating ito, tiyak mahihiya maski pagsama-samahin nyo pa ang mga titulo nina Jordan, Magic, Bird, Tigerwoods, at isama nyo pa si Pacman (118 lang naman lahat yan).

At aba, APAT NA DEKADA siyang namayagpag sa isport na ito, magmula noong una nyang kampeonato sa Bowling World Cup noong 1972 hanggang nito lamang 2009.

Isang pagsaludo sayo Sir Paeng, at happy birthday!

"Walang iwanan, peksman."


JANUARY 29, 2010.

Nagpahayag si Sen. Loren Legarda na hindi nya iiwan ang ka-tandem sa Nacionalista Party na si Sen. Manny Villar maski pa sa pagkakakaladkad ng pangalan ng huli sa umano'y maanomalyang C5 Road Extension Project.

Aniya, “ako ang taong may paninindigan, ako ang taong hindi nang-iiwan, hindi marunong mang-iwan at importante ito’y base sa ating konsyensya."

JANUARY 29, 2011. Walang nangyari sa ambisyon nilang mamuno ng bansa. Wala din namang nangyari sa imbestigasyon sa C5 Road controversy. At parang si Noynoy ang nang-iwan ng ka-tandem noong eleksyon.

Pero wag ka, tanggap ng dalawa ang kanilang pagkatalo.  Kung sana'y ganyan ang lahat ng talunan ano?

(ang picture ay kuha sa www.ispoops.com)